I like you a lot. At wala akong balak na
umalis ng bansang ito na hindi iyon
pumapasok diyan sa kukote mo.
Walang ibang kinikilala sa buhay si Shayne kundi pera, salapi at lahat
ng bagay na may monetary sign. Masaya siya kapag nakakakulimbat
ng kayamanan. Pero lahat ng iyon ay kinukuha naman niya sa
mabuting paraan. Takot kasi siyang makarma.
Sa kalagitnaan ng pangangalap niya ng panibagong
mapagkakakitaan ay nakilala niya si Reita, ang half-Japanese na
napadpad sa Pilipinas dahil nagmahal ng mga Pinay ang dalawa
nitong kabanda. Dahil humarang si Reita sa daraanan niya ay hindi
rin ito nakaligtas sa mga kuko niya. Nagkaroon ng instant utang sa
kanya ang binata na ayaw nitong bayaran dahil isa nga lang naman
iyong malaking kalokohan.
Tama naman ito. Gusto lang niyang laging nakikita ang lalaki kaya
gumawa siya ng hocus-pocus sa naging utang nito sa kanya.
Hanggang sa makita niya ang girlfriend nito. Sa isang iglap, parang
gustong magselos ni Shayne. Parang gusto niyang kanya na lang si
Reita kahit hindi na puwede. Umalma tuloy ang puso niya.
Ah, screw the rules! She has money!