Im like the predicate of a sentence and youre the subject. Without you, I would not make sense. My life would not mean anything.
Frei was a simple girl with an ordinary dreamang mapansin ng campus heartthrob na si Benjo. Maniniwala na sana siyang mas posible pang may mag-landing na eroplano sa MRT station kaysa magkatotoo ang kanyang hiling kung hindi lang isang araw ay hinabol siya ni Benjo para magpakilala. And from then on, dikit na ito nang dikit sa kanya at naging sweet pa.
Kung kailan umaasa na ang puso ni Frei na gusto rin siya ni Benjo ay saka niya natuklasang pinagti-trip-an lang pala siya ng lalaki at ipinahiya pa sa birthday party.
Lumayo si Frei na baon ang labis na sakit sa puso.
Lumipas ang mga taon at muli silang nagkita. Naging magkatrabaho pa sila at panay ang pagpapakalat ni Benjo ng obsession niya rito noon. Dahil naniniwala si Frei na naka-move on na siya, hiniling niya kay Benjo na mag-date sila araw-araw sa loob ng isang linggo. Gusto niyang ipakita at patunayan na hindi na siya kinikilig at wala na siyang gusto rito.
Pero paano kung sa loob ng isang linggo ay ma-realize ni Frei na gusto pa rin niya ang lalaki? What would happen next?