Hinahanap kita sa kanila. Ikinokompara ko sila sa `yo hanggang sa wala na akong pagpipilian kundi ang aminin sa sarili ko na hawak mo pa rin ang puso ko.
One fateful day, Erika met Luke. Umibig ang puso niya sa binata at inakalang natagpuan na ang lalaking makakasama habang-buhay. Subalit ang mainit nilang relasyon ay biglang nanlamig. Saka niya natuklasan na ginagamit lang pala siya ni Luke. She was hurt, big time. Lumayo siya at nangibang-bansa.
Pagkaraan ng dalawang taon ay kinailangang umuwi ni Erika sa Pilipinas para sa lolo niyang may karamdaman. And meeting Luke was inevitable dahil kanang-kamay ng lolo niya ang binata. Ang akala ni Erika ay napaghilom na ng lumipas na mga taon ang sugatan niyang puso. Hindi pa pala. Worst, mukhang nagkamali rin siya sa pag-aakala na naka-move on na siya at wala na sa puso niya si Luke. Is love really sweeter the second time around?