Kaya kong iwan ang lahat ng meron ako, makasama lamang kita. Dahil na-realize ko na walang halaga ang lahat ng ito, kung wala ka sa tabi ko.
Gustong turuan ng leksiyon ni Reginn ang sikat pero mayabang at playboy na supermodel ng TMA na si Macren Mac Garzon dahil sa ginawa nitong pananabotahe sa kanyang Valentines date. At dahil alam niyang mahalaga sa lalaki ang reputasyon nito bilang sikat na modelo, tinakot niya itong sisiraan sa media kung hindi papayag na sumunod sa lahat ng mga ipag-uutos niya. In short, magiging on-call errand boy niya si Mac sa loob ng isang buwan.
Pero nang dumating ang malaking problema ni Reginn sa pamilya at hindi inasahang dadamayan siya ni Mac, nagbago ang dating masamang tingin niya sa binata. Nagkalapit sila at hindi na naitago ang nararamdamang atraksiyon sa isat isa. Napatunayan ni Reginn na kaya palang magbago ni Mac at maging seryoso sa buhay, lalo na nang magkaroon sila ng relasyon. Labis ang kaligayahan ni Reginn at wala na siyang mahihiling pa sa ipinapakitang pagmamahal ni Mac sa kanya. Ngunit dumating ang araw na kinailangang mamili ni Reginnkung itutuloy pa ba ang relasyon kay Mac o iiwan na ito alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamilya.