Ito ang kabayaran mo sa kasalanan mo sa akin... ang patuloy akong mahalin...
She was longing for his love, ngunit hindi na iyon paniniwalaan ni Byron. Binalewala na nito ang lahat ng magagandang alaala na kanilang pinagsaluhan.
Hindi pa ito nagkasya, ibayong pasakit pa ang gustong ibigay sa kanya nito. Puwede niyang makita at maalagaan ang batang si Albert, ngunit kailangan niyang manilbihan bilang yaya ng bata sa mismong bahay nito.
Pumayag si Raissa hindi lang para makasama ang bata, kundi para makapiling na rin si Byron. At nakahanda naman siyang magtiis sa mga pasakit na gusto nitong ibigay sa kanya... only to find out na paraan lang iyon ng lalaki... just to be with her...