"Na-miss kita. Ang lungkot ng buhay na ito `pag wala ka."
Sa una pa lang na pagtatama ng mga mata nina Honey at Benitoang guwapong bading na kaklase niya na nagkukubli sa guwapong mukha at magandang katawanay mayroon agad hindi pamilyar na pakiramdam na nagpasikdo sa puso ni Honey. At habang tumatagal na kasama niya ang lalaki ay parang lumalalim ang tila mahikang epekto sa kanya ng magagandang mata nito. Nang mga sumunod na araw ay hindi na lang sa mga mata nito siya may problema. Napapatitig na rin siya sa dibdib at abs nito at parang may humihila sa kanyang damhin ang mga iyon!
Natuliro siya. Hindi maaaring totoo ang kutob niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Lalo siyang nalito nang matagpuan niya ang sariling nagseselos sa boss nito. Pakiramdam tuloy niya ay nababading na rin siya!
Pero isang gabi ay nayanig ang mundo niya nang umuwing nakainom si Benito at ibinigay nito sa kanya ang halik na lagi niyang naiisip gawin dito. At hindi sila nagtapos sa isang matamis na halik lang