Puwede kang mapagod, pero `di ka puwedeng sumuko. Ipunin mo lang lahat ng pagod. Pagdating ko, you can come back to my arms and rest
Sapilitang isinama si Chinny ng best friend niyang si Georgina sa isang isla. Self-exile daw iyon, ayon dito. Magmumuni-muni raw sila roon sa loob ng isang linggo para luminaw ang kanilang mga isip. Pareho kasi silang may mabigat na dinadala sa dibdib. Hindi siya makatagpo ng katahimikan dahil palagi siyang sinusundankahit sa pagtulogng isang mapait na alaala.
Umasa siya na matatagpuan niya ang katahimikan sa bagong kapaligiran. Ngunit sa halip na katahimikan ang matagpuan niya roon ay gulo sa puso at isip ang nasumpungan niya dahil sa pagsulpot ni Ross. Presensiya pa lang nito ay sapat na upang magising at mabulabog ang mga nakatagong emosyon sa kanyang dibdib.
She never thought she would soon find the serenity she was looking for in his arms.
But they only had a week, too short for a beautiful love story