“Ang tanging alam ko lang ay baliw na baliw ako sa `yo at akin ka lang. Aking-akin.”
Si Haide ay anak ng isang magsasaka ng Hacienda Montemayor. Lumaki siyang itinuring na matalik na kaibigan ng solong tagapagmana ng hacienda—si Señorito Jerry Montemayor. Hindi niya alam kung paano at kailan, ngunit isang araw ay nagising na lang siyang umiibig na pala sa matalik na kaibigan.
Sa isang sandaling pagkalimot at muntik nang may mangyari sa kanila ay umalis si Jerry sa Hacienda Montemayor nang hindi man lang sila nagkakausap.
Pitong taon ang lumipas bago nagbalik ang binata. Ngunit kapansin-pansin ang malaking ipinagbago nito. Naging palautos at mabagsik si Jerry. Pilit na umiiwas si Haide sa binata. Pero si Jerry naman—sa kabila ng pagbabago nito—ang sadyang lumalapit, humihingi ng tawad, at sumusuyo sa kanya.
Hindi malaman ni Haide kung magiging masaya na siya maibalik lang ang pagkakaibigan nila ni Jerry o mas magiging lubos ang kaligayahan niya kung mapapaibig ang binata.