Id gladly kiss you a thousand times right at this minuteno, make that a million timesto make up for that one time that I so stupidly did not.
Labindalawang taon na ang nakararaan, umibig ang batang puso ni Sarah kay Ulrich Balajadia. At dala ng kanyang kabataan at ng nakalulunod na damdamin ng pag-ibig, naging impulsive si Sarah sa mga desisyon niya sa buhay. At sa bandang huli ay nabigo lang siya.
Kaya ngayon, batid ni Sarah na kailangan niyang pakaiwasan nang husto si Ulrich, kahit pa magkasama sila sa trabahosi Sarah bilang konsehala at si Ulrich naman bilang vice mayor ng kanilang bayan. Kailangan niyang mag-focus. Kahit ngumiti nang ngumiti si Ulrich, hindi na siya padadala sa magic na taglay niyon o sa bugso ng kanyang damdamin.
Pero mahirap yata talagang tanggihan ang isang Ulrich Balajadia, dahil muli, natagpuan ni Sarah ang sarili na walang laban sa charm nito. Hinayaan uli niya ang sariling mahulog dito.
Ayos lang naman sana dahil mahal naman daw siya nito.
Daw.
Hindi kasi alam ni Sarah kung totoo nga iyon.