Natatakot ka ba na baka mahulog ka sa akin? But what is wrong with falling in love with me?
Isa si Bianca Cusap sa mga Pilipinong pinalad na makilala sa fashion industry sa Europa bilang isang modelo. Pagkalipas ng maraming taon ay umuwi siya sa Pilipinas para sana magbakasyon. Pero natagpuan na lamang niya ang sarili niya na nasa loob ng courtroombilang abogadopara ipagtanggol ang isang taong malapit sa kanyang puso. Yes, she was also a lawyer. Pero hindi niya inakala na ang makakatunggali niya sa korte ay walang iba kundi si Attorney Milo Montecilloang matinik na abogadong wala pang natatalong kaso.
Noon din mismo ay gusto na ni Bianca na bumuka na ang lupa at lamunin siya nang buo. Nasisiguro niya na pakakainin siya nito ng alikabok. At sa kamalas-malasan ay nakipag-deal pa siya rito na magiging alipin ng mananalo ang matatalo sa loob ng isang buwan.
Pero bakit kinilig yata siya sa ideyang makakasama niya ang isang napakakisig na abogado sa loob ng isang buwan? Bakit parang gusto niyang solohin ang nakapanlalambot-tuhod na ngiti nito?