“Malabo man sa pag-iisip ko ngayon ang mukha mo, malinaw pa rin sa akin kung bakit kita minahal noon.”
Dear Miss Popular,
Tuwing nakikita kita, gusto kong maging chameleon at dumikit sa pader para hindi mo ako makita. Pero kahit yata gawin ko `yon, wala ring epekto. Dahil kahit daanan mo ako, tulad ng chameleon, hindi mo pa rin ako makikita. Nasa likuran mo lang naman ako palagi. Abot-tanaw kita. Pero ikaw? Hindi. I felt awkward every time we’re left alone inside the classroom. Wala ka namang ginagawa pero… bakit hindi ako mapakali? Minsan nga, naiisip ko na lapitan ka tuwing sa tingin mo ay pinag-uusapan ka ng maraming tao. Pero… wala, eh. Ang hina ko. Ang hina-hina ko. Pero ngayon, gusto ko nang baguhin `yon. I don't want to be shy anymore. I don't want to feel awkward whenever you’re around. So, let me ask you this, Elis, may I dance with you?
Always around you,
Mr. Wallflower of the West… Gray