Well, hindi ka mahihirapang hanapin ang lalaking gusto mo. Tumingin ka lang sa akin, makikita mo na siya.
Magkalabang mortal ang pamilya Diamante at pamilya Camacho. Paano ba naman, sa pagkamatay ng isa sa miyembro ng bawat pamilya ay nagbibintangan ang dalawang angkan.
May magandang paraan para makaganti tayo sa mga Diamante.
Pigil-hiningang naghintay si Monette sa sasabihin ng kanyang ama.
Paibigin mo si Errol Diamante.
Saglit siyang natigilan. Ang tinutukoy nito ay ang bunso ng mga Diamante.
Paano susundin ni Monette ang iniuutos ng ama gayong hindi lamang pagkukunwari ang nararamdaman niya sa guwapong si Errol Diamante? Mahal niya ito at bukal iyon sa kanyang puso