Istrikta, mataray, at masungit ang ilan sa mga negatibong salita na ibinabato kay Missy Salvatorre. Ayon nga sa detractors niya, hindi bagay ang maganda at maamo niyang mukha sa kanyang ugali. But she didn’t mind them. Hindi siya puwedeng maging malambot dahil sa malaking responsibilidad sa pagpapatakbo ng sariling kompanya—ang Events Unlimited. Kahit nga ang pinakamahuhusay at kilalang businessmen ay hindi umuubra sa kanya.
Pero nakahanap yata siya ng katapat nang makilala si Voltaire Garcia—ang driver/bodyguard na kung makaasta ay akala mo sino. Gustong sindakin ni Missy ang lalaki gaya ng ginagawa niya sa ibang tauhan at sa iba pang nakakasalamuha. Pero bakit parang siya ang tumitiklop sa lalaki? Ang isa pang malaking tanong ay kung bakit sa kabila ng kakulangan ni Voltaire para pumasa sa standards niya, ito ang kaisa-isang lalaking umookupa sa kanyang isip?
Jesus! Hindi siya puwedeng pumatol sa isang driver lang. She’s rich, beautiful, intelligent, and most of all… a virgin! He’s not worth it! But why could she not resist him?
Dahil ba sa mga halik ni Voltaire? Mga haplos? Gusto na niyang bumigay…