Just the sound of your voice and your laugh make me strong and help me to keep going. Para akong si Superman na kayang harapin ang lahat.
Seven years ago, umibig at nasaktan ang batang puso ni Shayne. Kasama si Matt ay bumuo sila ng masasayang alaala at nangarap nang magkasama. Umasa siyang nang araw na aminin nila ang pagmamahal sa isat isa ay iyon na ang umpisa ng happy ever after nila. Subalit nagkamali siya. Umalis si Matt. At kasunod niyon ay ang umpisa ng kanyang kabiguan.
At ngayon, sa pinakaimportanteng araw sa buhay at career ni Shayne bilang isang mahusay na inhinyero ay darating si Matt at guguluhin muli ang inaakala niyang tahimik nang buhay. Nalaman din ni Shayne na siya pala ang dapat sisihin sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Matt. Pero gustuhin man niyang ibalik ang nakaraan, hindi niya maipagsasawalang-bahala ang ngayon ay malayo nang agwat ng kanilang buhay at ang babaeng ipinalit sa kanya ni Matt.