Sabihin mo sa `kin, ipaliwanag mo kung sa tingin mo,
malilimutan pa kita kahit kailan, Danica. Ipaliwanag mo
kung paano ko malilimutan ang isang tulad mo... dahil
hindi ko yata kayang isiping may posibilidad ang ganoon.
Naghahanap ng atensiyon mula sa pamilya si Danica nang makilala niya si Daniel, isang kargador ng bigas sa palengke. Lahat ng hinahanap niya na hindi ibinibigay sa kanya ng pamilya ay ibinigay ng binata. She fell in love with him. And they got married.
Ngunit ipinagtabuyan siya ni Daniel at humingi ng isang milyong piso sa kanyang kapatid kapalit ng paglayo sa kanya.
Makalipas ang anim na taon ay muling nakita ni Danica si Daniel. He was now a business tycoon from Mexico, larger than life, more dashing than before...
And he threatened to file adultery charges against her if she wouldnt be his wife again...