Maybe if I kissed you, everything will fall perfectly into place. So please let me...
Napilitang magtrabaho sa isang girlie bar si Faye bilang dancer upang may maipantustos sa kanyang inang may sakit. Doon niya nakilala si Josh, isang abogadong handa siyang tulungang makaahon sa buhay.
At nang panahong wala siyang ibang malapitan ay pinuntahan niya ang lalaki. Maayos naman ang pakikisama ni Josh sa kanya. Napakabait nito sa kanya at sa kanyang pamilya.
Maayos na sana ang lahat kung hindi lamang sa nakatatandang kapatid nito na si Jeremy.
Aaminin ni Faye na may atraksiyong hatid sa kanya ang binata pero pilit na lamang niyang hindi pinapansin dahil wala na itong ginawa kundi ipamukha sa kanyang mababang uri siya ng babae.
Paano niya pasusubalian ang mga paratang ni Jeremy kung ganoong nang halikan siya ng binata ay hindi naman siya pumalag?