I dont give a damn about that dream, Stella.Because ever since I found out that I love you, ikaw na ang naging pangarap ko. Aanhin ko ang lahat ng `yon kung wala ka naman?
Stella was a head-strong woman, mataray, suplada, at parang may permanente nang PMS. Matagal na niyang kinalimutan ang pag-ibig. Para sa kanya ay pag-aaksaya lamang iyon ng emosyon at oras. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makaipon nang sapat para sa kanyang sarili.
Nag-alok ng trabaho kay Stella ang kanyang boss. Iyon ay ang maging caregiver ng kapatid nitong si Vinny na naaksidente at pansamantalang naparalisa ang mga binti kapalit ng malaking suweldo kada buwan.
Kaya pala ganoon ay dahil walang tumagal na tagapag-alaga sa kapatid nitong guwapo nga ay masyado namang maangas at daig pa ang batang paslit kung mag-tantrums. Ngunit hindi iyon uubra sa kanya. Tatapatan niya ang lalaki.
Patigasan ang laban. Ere sa ere, angas sa angas.
Manalo kaya si Stella? Paano kung bumigay ang puso niyang akala niyay matagal nang paralisado?