His kiss was far better that Valium or any other sedative. It calmed her soul, eased away her tension. And he didn't stop too. He didn't stop kissing her until all her worries were forgotten.
Nakilala ni Remedios si Aurelio bilang "Paul" sa isang bar. nagrerebelde siya at ito ang kanyang napag-trip-an. Ang plano niya ay lustayin ang perang pinaghirapan ng kanyang ama kaya plano niyang ubusin iyon sa binata. Wala naman itong isinukli kundi kasupladuhan. Ngunit sa likod ng kasupladuhang iyon, batid niyang isang mabuting tao ito. Palagi siyang pinagsasabihan nito, inaalala. At natagpuan niya ang sariling hinahanap-hanap ito. Kulang ang mga sandali kapag magkasama sila.
Noon ito lalong naging suplado, palagi siyang itinataboy palayo. Kaya naman sinugod niya ito. At natuklasan niya ang dahilan: binayaran ito ng kapatid niya para layuan siya.
Ngitngit na ngitngit siya. Sa gitna ng napakaraming kamiserablehan sa buhay niya ay sumali pa ito. Binalikan niya ito, ninais pamukhaan - at ninais makitang muli kahit sa huling pagkakataon. Ngunit wala na ito, naglaho nang parang bula...