Mataas ang pangarap sa huhay ni Nelia. Iyon ay ang sumikat at yumaman. Madali sana siyang makakakuha ng trabaho kung saan mapapadali ang pagtupad niya sa mga pangarap nakapag-asawa kasi ng mayaman ang Ate Robs I niya ngunit masyadong ma-pride ang kanyang ama at ayaw nitong hihingi siya ng tulong sa kanyang bayaw.
Isa na lang ang naisip niyang paraan: ang sumali sa beauty contest sa telebisyon. Kung kailan naman tila abot-kamay na niya ang mga pangarap ay saka niya nakilala si Arturo, isang supladong lalaking mula sa isa sa pinakamayayamang angkan sa bansa.
Bakit nag-iba yata ang kanyang ambisyon mula nang makilala niya ito? Ayaw na niyang sumikat. Gusto na lamang niyang pansinin siya nito. Ngunit mas mahirap yatang ito ang ambisyunin niya...