Nangako si Rosina na ipaghihiganti niya si Miss Draycot, ang kaibigan niya na nagpakamatay dahil sa kataksilan ng nobyo nitong si Mr. Woodward. Dahil din sa pangyayaring iyon ay kinumbinsi ni Rosina ang sarili na lahat ng lalaki ay hindi mapagkakatiwalaankasama na roon si Sir John na minahal na niya mula sa kamusmusan niya.
Hindi nagtagal ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Mr. Woodward. Lalo lamang siyang naging determinado na pagbayarin ito sa ginawa nito sa kaibigan niya. Pero mahigpit ang pakiusap ni Sir John na kalimutan na niya ang balak niya.
Hindi pa nawawala ang nararamdaman niya para kay Sir John lalo na at unti-unti niyang nakikita na hindi niya ito dapat isama sa mga uri ng lalaking dapat niyang iwasan. Ano ang pakikinggan niya ang pintig ng puso niya o ang bulong ng konsiyensiya niya na kailangan niyang bigyan ng katarungan ang kaibigan?