I realized that thats how love is. You learn to love and accept things that you hate because of the person you love.
Matagal nang umuupa lang ang ama ni Ranaya sa sinasakang lupa na nasa likuran ng kanilang bahay. Kaya nang ibenta ng may-ari ang lupa ay agad siyang naghanda ng pera upang bilhin iyon at ibigay sa kanyang ama.
Pero nabalitaan na lang ni Ranaya na nabili na ng isang nagngangalang Gray Montenegro ang lupa at ang ama rin niya ang ginawang tagapamahala sa bukid. Ang nakadagdag pa sa kanyang inis, sa kabila ng katotohanang inagaw ni Gray ang kanyang pangarap para sa kanyang ama, hindi niya maipagkakaila ang nagsusumigaw nitong kaguwapuhan at kabaitan. Hanggang sa ang inis na nadarama niya ay hindi niya namalayang nauwi na pala sa isang kakaibang damdamin.
Pero sapat na ba iyon at ang inamin ni Gray na atraksiyong nadarama para sa kanya upang tuluyang hayaan ni Ranaya na makapasok sa kanyang buhay at puso ang binata?