“Who would have thought that while we were hating each other, we were actually falling in love?” Bumalik si Prima Weignmann sa Pilipinas para maranasan ang naging buhay ng kanyang namayapang ina sa nasabing bansa. Pero sa pagpunta niya sa bansa ay nakilala niya si Keij Vianco, ang magaling na lalaking walang sorry-sorry na inabutan lang siya ng pera pagkatapos siyang mabunggo ng kotse nito. Sa kanyang pagkagulat, ito rin ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ayon sa kasunduan ng kani-kanilang mga magulang. Sa umpisa pa lang ay nilinaw na nito sa kanyang hindi nito seseryosuhin ang engagement nila. He said he was looking for a girl whom he promised to marry twelve years ago—the faceless girl he had been looking for half of his life. In short, hindi siya ang babaeng gusto nitong mahalin. Still, she agreed to be engaged with him with no strings attached. Pero lumihis yata ang tibok ng puso nito dahil bigla-bigla ay umaakto na itong tila in love sa kanya. Pero umentra si Audrey, ang “promised girl” nito na matagal na nitong hinahanap. Isusuko ba niya ang pag-ibig niya rito ngayong nasa kanya na ang alas?