“I’m pretty good with directions. Kaya nga imposibleng maligaw ako sa puso mo. Because it’s gonna be my sweet destination.”
Andrei was cynical about true love. Pero nang makilala niya ang brokenhearted na si Sonira, nag-iba ang kanyang damdamin. Magkaiba ang pananaw nila sa pag-ibig. Dahil doon, nabuhay ang interes ni Andrei kay Sonira. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nahuhulog na ang damdamin dito.
He had never fallen in love seriously. Trabaho lang ang kaya niyang seryosuhin.
Kinalimutan ni Andrei ang damdamin para kay Sonira. Pero hindi ito maalis sa isip niya. Handa na sana siyang panindigan ang damdamin kay Sonira nang magbalik naman ang lalaking una nitong minahal. Naipit siya sa isang komplikadong sitwasyon…