“My heart didn’t plan to love you, but it did.”
Kahit napakaguwapo ni Jared, napakasuplado naman nitong boss kaya turned off dito si Jasmine. Ang nakapagtataka, sa kabila ng pagsusuplado sa kanya, nasumpungan niya ang sariling nahuhulog ang loob sa lalaki.
Pero simpleng cook lang siya, samantalang si Jared ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Hindi sila bagay kaya dapat lang na kalimutan na ni Jasmine ang nararamdaman sa boss. Eksakto namang nakilala niya si Thorne, ang prospect niyang pagbalingan ng nararamdaman.
Pero kaya ba ni Jasmine na kalimutan na lang si Jared kung ang inspirasyon niya sa mga putaheng inihahanda ay ito?