Maganda palang pakinggan na pagkatapos mong mabigo sa pag-ibig ay may magsasabi sa iyo na hindi mo kawalan ang pag-iwan sa iyo ng isang tao.
Masaya na si Leila sa kanyang payak na buhay sa Malaybalayhanggang sa dumating ang isang araw na lahat yata ng kamalasan ay siya ang pinuntirya. Ipinagpalit siya ng kanyang nobyo sa iba, nawala ang lupang kanilang isinanla, at nakilala niya ang isang antipatikong lalaking nakakadagdag sa pagkayamot na kanyang nadarama.
Hanggang sa napagdesisyunan niyang magtungo sa Maynila upang magsimula uli at magbagong-buhay. Pero sinusundan yata siya ng malas, dahil naroon din ang antipatikong lalaking Ivan pala ang pangalan. She hated him not only because he didnt give her land back, but because of his guts as well. Pero dahil sa madalas na pagbabanggaan at sa parehong sinapit ng kanya-kanyang puso ay nakakuha sila ng sandalan sa bawat isa.
Ivan was the solace she needed. Leila was the love he had waited. Sapat na ba iyon para sabihin na natagpuan na nila ang pangalawang pagkakataon sa pag-ibig sa bawat isa?