“Mahal kita hindi dahil kailangan kita. Mahal kita dahil iyon ang idinidikta ng puso ko.”
Naglayas si Sierva nang hindi na niya matiis ang pagmamaltrato ng kanyang ina. Sa barko niya nakilala si Ody, maginoo at guwapo, ngunit tinakasan niya ito.
Nagpalipat-lipat siya ng tirahan, ngunit sadyang pinagtitiyap yata sila ng tadhana. Muling nagkrus ang mga landas nila makalipas ang maraming taon. Sa pagkakataong iyon ay kinupkop siya nito.
Nang malagay siya sa peligro at masiwalat ang mga lihim ng kanyang pagkatao, hindi na nagpakita sa kanya si Ody. Naisip ba nito na hindi siya karapat-dapat dito?