Gilbert was a perfect boyfriend. At masaya si Lanie sa relasyon nila. They had their share of petty quarrels, pero agad naman nilang nareresolba ang mga iyon.
Kinailangan nitong magtungo sa ibang bansa. Pero bago ito umalis ay napagkasunduan nilang magpapakasal na sila sa pagbabalik nito. She knew, she would really be happy then. Wala siyang ginusto kundi ang makasama ito habang-buhay. Dalawang taon lang naman itong mawawala. Mabilis lang sigurong lilipas ang panahong iyon.
Ngunit kung kailan handa na siyang maging asawa nito at bumuo ng pamilya ay may nadiskubre siyang isang bagay na maaaring humadlang sa katuparan niyon.
At doon nagsimula ang kanyang mga pangamba...