Nanganganib ang kompanya ng pamilya nina Melody. Nakasangla iyon sa Banco de Lorenzo. Walang ibang makakatulong sa kanila para maisalba ang kompanya kundi siya lamang.
At ang solusyon: kailangan niyang akitin si Dale Andrew Lorenzo at makuhanan ito ng larawang nakahubad kasama siya. Iba-blackmail niya ito.
Pero hindi ito naapektuhan sa pamba-blackmail niya. Siya ang higit na napahiya. Bumalik sa kanya ang plano at ang hindi niya nakita kaagad, she was falling in love with him.
At si Dale ang uri ng lalaking hindi ganoon kadaling magpatawad.