Hindi maganda ang unang pagtatagpo nina Barbara at Dave Andrew Lorenzo, ang panganay sa anim na magkakapatid na lalaki ng mga Lorenzo. He was gorgeous and stunning, a most sought-after bachelor. Pero bale-wala ang mga iyon kay Barbara dahil kagagawan ng lalaki kung bakit naiwala niya ang multimillion deal sa isang kliyente.
Nagdemanda siya laban sa Lorenzos Air na pinamamahalaan ni Dave, ngunit sa huli ay nag-withdraw siya nang labag sa kanyang kalooban. Ginamitan siya ng dirty trick ng lalaki at wala siyang magawa dahil kahihiyan niya ang nakataya: he was blackmailing her with the cheap video-taped scandal.
Matinding poot ang nararamdaman niya para dito, pero bakit tila yelo siyang natutunaw tuwing nakapaloob siya sa mga bisig nito?