Hindi man sila panghabang-buhay, puwede naman siguro niyang papaniwalain ang sarili na kahitsa gabing iyon ay kanyang-kanya na si Evan.
Ang hindi kagandahang itinatakbo ng buhay ni Jenny ang naging dahilan para umalis siya sa kanila at tumakbo sa Tarlac, sa lugar kung saan alam niyang magiging tahimik ang kanyang buhay. Sa Tarlac ay nakilala niya ang mag-amang Evan at Gracie.
Arogante. Mayabang. Ilan lang iyon sa mga puwede niyang gamiting ipanlarawan kay Evan Austria, ang ama ng batang si Gracie. Unang beses pa lang kasi silang nagkakilala ng lalaki ay sinungit-sungitan na agad siya. Wala naman siyang ginagawang masama kundi ang kausapin lang ang anak nito.
Hindi alam ni Jenny kung bakit pilit niyang ipinapasok ang sarili sa buhay ng mag-ama. Isa lang ang sigurado siyaang kagustuhang tulungan si Gracie na matapos ang quilt na inumpisahan diumano ng ina nito. Kaya kahit na sinusungitan siya ni Evan ay titiisin niya, alang-alang sa bata.
Pero habang tumatagal na nakikilala ni Jenny si Evan ay hindi maiwasan ng puso niyang mahulog dito. Hanggang isang araw ay napagtanto na lang niya na umiibig na siya sa lalaki.
Pagbibigyan ba ni Jenny ang sarili na maging masaya sa piling ni Evan at mahalin ito nang malaya kung alam niya sa sariling hindi magtatagal at kailangan din niyang iwan ang mag-ama?