Iibahin ko na lang ang pangarap ko. Gusto ko na lang palang makita ang ngiti mo
Simple lang ang buhay ni Toyang. Pumapasok siya sa kolehiyo na malapit sa bahay nila, mahal na mahal siya ng mga magulang niya, at may dalawa siyang nagguguwapuhang best friend sa katauhan nina Donat at Marcus.
Kontento na siya sa buhay. Hanggang isang umaga ay nakatanggap siya ng sulat mula sa isang nagngangalang Chico. Walang idea si Toyang kung sino si Chico. Pero sa sulat ay inamin sa kanya ng lalaki na gusto siya nito. Nagpatuloy ang pagdating ng mga sulat hanggang maging parte na iyon ng pang-araw-araw na buhay ni Toyang at maramdaman na lang niya na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Chico.
Nang sabihin ni Toyang na nais na niyang makilala ang lalaki ay tumanggi si Chico at nagbigay na lamang ng hint: malapit daw si Chico sa kanya.
At biglang naisip ni Toyang sina Marcus at Donat. Paano kung isa sa mga ito si Chico?