“Now is the perfect timing for us to fall in love.”
Dark Knight and Elf Prince had both confessed their feelings to Fairy Queen. Pero nag-iba ang lahat dahil sa Wilson siblings:
Si Fortress—ang babaeng palaging dumadamay kay Elf Prince sa mga problemang hindi niya masabi kina Dark Knight at Fairy Queen. Pakiramdam ni Elf, nagkaka-heart attack siya tuwing matapang na sinasabi ng babae na mahal siya nito.
Si Kastle—ang lalaking nagmamahal pala nang totoo kay Fairy Queen. Ang lalaking karapat-dapat din palang mahalin.
Ang pinanghahawakan na lang nina Dark Knight at Elf Prince ay ang katotohanang isa pala sa kanila ang first love ni Fairy Queen noon; it was their chance to win her heart once and for all.
Nagwo-work out ba ang first love? Kung oo, kaninong unang pag-ibig ang magtatagumpay, at kanino ang mabibigo?