“Sumobra yata si Lord sa ibinigay na kaguwapuhan sa `yo kaya kinapos `yong ibang lalaki… You’re a very good reminder that life is unfair.”
Dark Knight and Elf Prince made a pact that they will never confess their feelings to Fairy Queen, the childhood friend they’re both in love with. Isa pa, may iba nang nagugustuhan ang babae. Kaya nagdesisyon silang maging protector na lang ni Fairy Queen; magiging magkakaibigan sila habang-buhay.
Hanggang dumating sa buhay nila ang Wilson Siblings:
Si Fortress—ang unang babaeng nagtagumpay na makipagkaibigan kay Fairy Queen; ang babaeng deretsahang umaamin na in love kay Elf Prince.
Si Kastle—ang quintessential bad boy. Bad news ito para kay Fairy Queen. He was rude, ill-mannered, and a total bad influence.
Sa isang iglap, nanganib ang pinoprotektahang pagkakaibigan nina Dark Knight at Elf Prince, at nanganganib ding makuha ni Kastle ang puso ng babaeng pinakamamahal nila.
They needed to do something.
To confess or not to confess… that’s the question.