Estudyante pa lang ay wala nang pakialam si Yna sa boys. Nang may buwisit na lalaking nanghalik sa kanya sa school dance noong fifteen years old siya ay tuluyan na siyang naging man-hater.
Pero ngayong twenty-six na si Yna ay napilitan siyang habol-habulin ang isang lalaki—si Dayle Montgomery. Not because gusto niya ang half Filipino-half Canadian ice hockey player kundi dahil kinukumbinsi niya itong bigyan siya ng top management position sa company nito sa Subic.
Habang tumatagal nga lang ay parang lumalabo na kay Yna kung bakit ayaw niyang tigilan ang pangungulit kay Dayle. Dahil pa rin ba iyon sa trabahong gusto niyang makuha, o dahil nagsisimula na siyang makita ang lalaki bilang ideal man?