Mahal na mahal kita. Huwag kang magtanong kung bakit, dahil ako hindi ko alam. Basta mahal kita at lahat ng kakaibang ugali mo.
Pakiramdam ni Dorotea ay malapit nang mag- expire ang ovaries niya kaya humingi siya ng tulong sa makulit pero seductive na binatang si Tres. Nagpaturo siya kung paano i-seduce ang boyfriend niyang si Tom.
Pero bakit ganoon? Diyatat si Dorotea ang nase-seduce ni Tres? At nang pumalpak ang Mission: Seduction niya, kay Tres na naman siya sumuling. Hindi kaya sa kanya in-apply ni Tres ang lessons in seduction na itinuro nito? Pakiramdam kasi niya ay nahuhulog na ang loob niya sa lalaki.