“If you’d wake up alone one day, huwag kang iiyak… Nasa paligid lang talaga ako—minsan araw, minsan ulan, minsan buwan o bituin… Mas madalas, hangin. Hindi mo man nakikita, pero lagi lang nandiyan…”
Three bullets.
Three years.
Three drops of blood.
Sina Lara, Miguel, at Gabriel—mula sa kasalukuyang henerasyon ay sinisingil sa mga kasalanan ng nakaraan.
At ang kasalanan ng nakaraan ay nagbalik sa pamamagitan ni Dante na ang misyon ay ipaghiganti ang kalupitang naranasan ng ama. Malakas na puwersa ng dilim ang nasa likod ng kanyang kapangyarihan. Siya ang naghahatid ng mga patak ng dugo—ang death mark.
Sa pagtatagpo ng nakaraan at ng kasalukuyan, mga inosenteng buhay ang masasakripisyo. At sa huli, magaganap ang katuparan ng sumpa. At pag-ibig ang magiging pinakamasakit na parusa.
Sino sa kanila ang maliligtas?