"Kung ikaw ay isang panaginip, nasa puso ko ang katuparan ng lahat."
Ideal man si Paul -- mabait, responsable at, higit sa lahat, matalino kaya naman scholar ito sa pinapasukan nilang private university. Bukod pa roo'y taglay nito ang kaguwapuhang wala yatang babae sa ibabaw ng lupa ang maaaring tumanggi.
And when the time came na umibig siya't nasaktan sa una niyang pag-ibig ay naroon lamang ito upang aluhin siya. Paul made her feel like a princess.
Hanggang aminin nitong hindi na best friend ang turing nito sa kanya. Na lahat ng mga ginagawa nito para sa kanya'y may kalakip na pagsuyo... pagmamahal.
Handa na ba siyang muling subukang magmahal? This time sa lalaking palaging sumasagi sa kanyang isip nang mga panahong nalulungkot siya sa piling ng dating kasintahan.