You may now kiss the bride, wika ng wedding celebrant. Thats not necessary, mabilis niyang sabi. Lets have that documents now and be done with it. She attached her signature on the marriage contract at pagkatapos ay ibinigay niya iyon kay Jace. Ni hindi niya ito hinintay na matapos pumirma at mabilis na lumakad patungo sa exit.
Subalit bago niya nabuksan ang pintoy naabutan siya nito. Hey hey hey! Inabot nito ang braso niya at hinila siya pabalik.
Ano ba?! singhal niya, sinikap pakawalan ang brasong hawak nito, but he drew her even closer, na bahagyang ikinatama ng noo niya sa mga labi nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakasal ako, my dear wife, so lets follow tradition.
At sa pagkamangha niya ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya. Ang unang pumasok sa isip niya itulak ito. But she couldnt have done.