You saw me when Im invisible and you made me feel Im worth loving for.
Krisha wanted only two things in life. Ang maging mabuting anak sa kanyang mga magulang at maging magaling na estudyante. Kaya ginawa niya ang lahat para maging una sa klase. Ngunit dahil doon ay nabansagan siyang nerd at loner, naging tampulan ng tukso ng kapwa niya estudyante. Ngunit ang lahat ng iyon ay binale-wala niya at mas piniling mag-focus sa pag-aaral.
But everything changed when she met Jaden Palmero, ang isa sa mga sikat na estudyante sa campus nila. Naging tutor siya nito at dahil doon ay naging malapit sila. They became friends and later, he became her knight in shining armor. Ito ang naging tagapagtanggol niya laban sa mga nambu-bully sa kanya. Sa pagiging malapit nila sa isat isa, Krisha realized one day that she was starting to fall in love with Jaden. Ngunit nang mabalitaan ng daddy niya ang tungkol kay Jaden, agad siyang inilayo sa binata. Napilitan siyang iwasan si Jaden sa kabila ng pag-amin din nito ng tunay na nararamdaman para sa kanya. Ipinaglaban siya ng binata, ngunit nagising na lang siya isang araw na wala na ito at tuluyan na siyang iniwan.