Do you know whats more cruel? Your smile. Nakakahawa. Kapag ngumingiti ka, tinatanggalan mo ng karapatang sumimangot ang mundo.
Perfect and Fortune were neighbors, classmates, allies, and the best of friends. They had known each other all their lives. When Fortune had her monthly period in high school, nagkulong ang dalaga sa banyo at naging tagahanap si Perfect ng sanitary napkin.
Years later, hindi na sila high school pero willing pa rin si Perfect na gawin ang kahit ano para sa best friend. Na-in love na kasi siya kay Fortune. Secret lang. Walang clue. Dahil ang magaling niyang best friend ay busy sa kakahabol sa foreigner na magpapaganda raw sa lahi nito.