Im going to cast a spell on you. Para kahit wala ako sa tabi mo ay magiging okay ka. Para malaman mo na kahit sa malayo, binabantayan kita.
Mula nang muling magpakasal ang papa ni Celine ay naging estranghero na siya sa sariling pamamahay. Sa dami ng kanilang pag-aaring hotel at resort, sa pinakamaliit at pribadong resort siya inatasan ng ama na magtrabaho. Pero alam niya na kagagawan iyon ng kanyang madrasta. Noon pa man ay gusto na siya nitong ilayo sa social circle kung saan dapat siya ang prinsesa. But she didnt mind. She loved the peaceful resort where she worked.
Nagulo ang tahimik na buhay ni Celine nang dumating sa resort si Randall Qasim, na anak ng isang bilyonaryo kasama ang madrasta at stepsister niya. Sa unang pagtapak pa lamang ni Randall sa resort ay hayagan na itong nagpakita ng interes sa kanya. Kasama ni Randall ang mga bodyguard, isa na roon si Adrian. Sa tuwing binu-bully siya ng madrasta at stepsister na si Naomi ay palaging naroon si Adrian para tulungan siya. He was like the fairy godparent who always supported her even before she asked for help.
One night, her father organized a party. And she had to chooseang Prince Charming o ang bodyguard?
Who will she kiss when the clock struck at twelve midnight?