Madaling-araw nang tumirik ang sasakyan nina Kaye sa highway. Mula naman kung saan, sumulpot ang isang estranghero upang tumulong sa kanila.
"Mas makislap ka pa sa isang bituin kapag ngumingiti ka..."
At sa pagsasalubong ng mga mata ni Kaye at ng estranghero, dumadagundong ang kanyang dibdib. May kung anong magneto ang mga mata nito na hindi niya matagalan. May kung anong kuryente ang gumapang sa buo niyang katawan, tagos hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang kalamnan.
Natapos at natapos nito ang sirang sasakyan na hindi sila nagkakilala ng lalaki. At sapagkawala nito sa kanyang paningin, noon niya nahiling na sana'y nakilala niya ang simpatikong binata.
Hindi inaasahan, dininig ng mga bituin ang kahilingang iyon...