Walang mga salita sa English at Filipino dictionary ang puwede mong pagsama-samahin para mailarawan nang tama kung gaano ako kasaya kapag kasama kita.
CHARACTERISTICS YOU LIKE IN A PERSON:
Mabait, sensitive, mature. In short, si Marco Medina. Ang kapitbahay ko na matagal ko nang bet, as in gusto. Im secretly hoping na maging bet din niya `ko. But I got disappointed. Bago pa kasi ako makaamin sa kanya, sinabi na niya sa `kin ang itinatago niyang sekreto. Isang sekreto na alam kong magiging dahilan para hindi niya ako magustuhan kahit anong gawin ko.
CHARACTERISTICS YOU HATE IN A PERSON:
Makulit, self-centered, immature. Lahat ng katangiang `yan, pag-aari ni Paco Medina, ang nakababatang kapatid ni Marco. I really hate his guts.
Although I have to admit, nagbago `yon nang pilit niya akong i-distract mula sa pagkabigo ko dahil sa kapatid niya. Bumaliktad bigla ang mundo. Bigla, parang hinahanap-hanap ko na siya. Hindi rin nagtagal, nagkaroon na ako ng feelings sa kanya.
At kung kailan naman kami na ni Paco, saka ako biglang hinalikan ni Marco. `Ayun, natagpuan ko na lang tuloy ang sarili ko na nasa gitna ng isang malaking gulo.