I want you to stay looking at me. The way you always do. Because I need you. I love you
Huwag mo akong abalahin at hindi kita gagambalain. Iyon ang nag-iisang prinsipyo ni Ianne sa buhay.
Favors and faults have equivalent exchanges. Iyon naman ang batas na pinaiiral ni Kei sa sarili.
Nang magkrus ang mga landas nina Ianne at Kei, nag-clash kaagad silang dalawa. Gusto ni Kei na bayaran ang pagkakasalang nagawa kay Ianne. Plano naman ni Ianne na hayaan na lamang iyon at huwag na siyang pakialaman pa ng binata.
In the end, Kei wins. Sa sariling paraan binayaran ng binata, ang pagkakautang kay Ianne. Ang akala ni Ianne ay iyon na ang magiging huling engkuwentro nila. Subalit isang pagkakamali ang naging dahilan upang maging sunod-sunuran siya sa lalaki.
Dapat ay umaalma si Ianne. Subalit bakit sa bawat hiling ni Kei, unti-unti naman siyang nahuhumaling sa binata?