Hindi ako ang klase ng lalaking matutuwa kapag nakakaramdam ka ng selos. I dont want you to doubt my feelings for you. Gusto ko, malinaw sa iyo na ikaw lang ang mahal ko. I want to make you happy. I want you to be sure that Im yours.
Nagtatrabaho si Paige bilang campaign manager ng kanyang ninong na tumatakbo bilang senador. Sa panahon ng kampanya, pansamantala munang tumira si Paige sa isang condo unit na inupahan ng kanyang ninong.
Unang araw pa lamang niya roon ay napahiya na si Paige sa guwapong kapitbahay niyang si Greg. Umatake na naman ang pagkamakakalimutin ni Paige at naiwang bukas ang pinto ng kanyang unit.
Hindi lang minsan na nasaksihan ni Greg ang sakit ni Paige. According to him, she needed a keeper. At kung papayag siya, si Greg ang kanyang magiging keeper. Siyempre, umoo agad si Paige. Sira lang ang ulo ng tatanggi sa isang guwapong keeper.
Ang problema, habang tumatagal, ayaw ni Paige na maging keeper lang si Greg. She wanted him to be a permanent part of her life. Mukhang ganoon din ang lalaki sa kanya.
Hanggang sa madiskubre nila ang trabaho ng isat isa. Campaign manager pala si Greg ng kalabang kandidato ng ninong ni Paige.
Paano na ang love story nila?