Pagkatapos mapirmahan ang kontrata, tapos na rin ba ang papel ko sa buhay mo, Jake dela Cuesta?
Look where youre going, lady! anang lalaki na nakabangga ni Chelo palabas ng elevator. Tinangka siyang tulungan ng lalaki ngunit galit na pumiksi si Chelo.
Ikaw na naman? pagtataray niya nang makilala ang lalaking muntik nang maipit sa elevator. Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan! Kung umasta ka, parang sa iyo itong buong building!
Hindi akalain ni Chelo na ang lalaki at si Jake dela Cuesta na may-ari ng building ay iisa!