I would be very much willing to do even the impossible things if it would make you happy.
Maileen never planned to fall in love with Albert Villares. Isang malaking kagagahan ang ma-in love sa kanyang boss dahil nagtrabaho siya sa kompanyang iyon para sa isang misyon.
At lalo namang hindi niya inasahang iibigin siya ni Albert.
Puwede ba tayong magpanggap na puwedeng maging tayong dalawa?
Alam niyang napakarami na niyang ginagawang pagpapanggap para pumayag sa nais nito. Ngunit kabaliwan mang matatawag, mas mahalaga ang mga sandaling kasama niya ang binata... kahit alam niyang panandalian lang ang lahat ng iyon. Dahil sa sandaling matuklasan ni Albert kung sino siya, aanihin niya ang matinding galit at pagkamuhi nito...