PARANG nakalutang sa alapaap si Corinne pagkatapos magtanghalian. Mistula siyang isang tangang dalagita na nakatikim ng kanyang first kiss. She was not quite herself nang bumalik sa opisina nang tanghaling iyon.
Kinagabihan naman, may mga bulaklak na sumalubong sa kanya sa bahay. Iba-ibang klase iyoniba-ibang kulay, hugis, at laki.
Si Ivan talaga, napapailing at napapangiting sabi na lamang niya. Kumuha siya ng isang pirasong cattleya.
Did you like my flowers?
Kamuntik na siyang mapatalon. Napaawang ang bibig niya nang makita ang may-ari ng tinig na iyon. Arthur! At sumugod siya ng yakap dito.
Matagal silang nagyakap na magkaibigan.