I succumbed to you, like a bee. After the first time I tasted your lips, you never left my mind anymore.
Hindi maintindihan ni Jhona kung bakit napakalaki ng galit ni Aldrie sa kanya. They had been on each others neck from the very first time they met. Sinabihan pa siya nito na wala siya ni katiting na substance.
Kung tutuusin , wala naman siyang maalalang ginawa niya rito. Ang hindi niya matanggap, kung gaano ang inis na ipinakita nito sa kanya, ganoon naman ito kagiliw sa kapatid niya. Sa katunayan, masugid itong nanliligaw sa ate niya.
Sa kabila niyon, hindi niya napigilan ang pagmamahal na nadarama niya rito, anumang pagtanggi niya. Ngunit may pag-asa ba siya rito kung mulat sapul ay mababa na ang tingin nito sa kanya?