Now, she was firmly a believer na kahit gaano pa kasama ang sitwasyon ng isang tao, may darating na magpapasaya rito. Na mas nagiging espesyal pa dahil hindi niya inaasahang deserving pala siya para sa ganoong klase ng kaligayahan.
Simple lang naman ang depinisyon ni Shane ng perfect love story: ang makatagpo ng lalaking iibigin siya despite her insecurities. Kaya nang una niyang makita si Sebastien, the man riding atop a black stallion, pakiramdam niya ay itinapon siya sa gitna ng isang classic Marlboro commercial upang saksihan ang pagsagip nito sa isang damsel-in-distress. Siyempre, walang iba iyon kundi siya.
Ngunit pang-Alamat ni Lola Basyang lang pala ang drama niyang iyon dahil pagkatapos niyang magtapat ng damdamin dito ay isinampal nito sa kanya ang mga salitang, Youre not my type. Ouch. As in.
Kaya hindi siya masisisi nino man kung matapos ang ilang taon ay matakot siyang magtiwala na may taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit nang dumating siya sa madilim na punto ng buhay niya, akalain ba naman niya na muling lilitaw ito na tila isang kabute? At dinaig pa nito ang linta kung ipagsiksikan ang sarili sa kanya. At ang malupit, nais pa yata nitong tumayong knight-in-a-skimpy-swimming-trunks niya!